ang daming umaasang manalo sa lotto, tapos ngayon nakuha lang ng iisang tao? hehehehe! buti sana kung lahat ng tumataya sa lotto eh balatuan sila ng kahit 100 lang..kaso hindi eh! hahaha :))
ang malupit pa dyan ay isang balikbayan galing new york at nagbakasyon lang sa pilipinas ang nakakuha ng 6-55 jackpot. Hindi niya ugaling tumaya ng lotto at higit sa lahat. May kaya na sila sa buhay. Saklap noh???
sabi ng isa kong kaibigan.. "it's easy for you to say that! pero minsan na kami natulungan ng LOTTO nung nagipit kami."
MINSAN lang??? at magkano naman siguro yung napanalunan niya? heheh! anyways.. di ko na tinanong yung mga bagay na yan... Hindi masamang mangarap, pero sana yung pangarap natin ay alam natin kung paano tutuparin.. narealize ko din kasi na di pala libre ang mangarap, lahat ng gusto natin ay may presyo^_^
si God ay hindi nagbibigay ng Instant. Nagbibigay siya ng opportunities at kailangan natin kumilos :)
matagal na nating problema ang pera, bata pa lang ako problema na yan. Hanggang ngayon problema pa din yan, at kung hindi natin susulusyonan yan ngayon, maaring sa mga susunod na panahon ay problema pa din natin yan :))
kapag nagkasakit nga ang isang mahal natin sa buhay nakukuha nating mangutang o kaya wala tayong makain nagagawa natin yan pantawid gutom lang. Paano kapag dumating ang pagkakataon na wala na tayong malapitan? baka isang araw sisihin pa natin ang Diyos at sabihing "Bakit mo ako pinabayaan? diba sabi mo gusto mong magkaroon kami ng abundant life??? bakit ganito ang sinapit namin?"
minsan nakakainis yung mga gantong pangyayari no? mayroon akong nakasakayang isang mama sa MRT, bakas sa mukha niya at pananamit ang kahirapan(parang maintenance crew ng isang kompanya eh?) pero nagulat ako! kasi maya-maya ay may hinugot siyang earphone sa kanyang bag, inilabas ang ipod at psp. napaWOW ako eh.. as in WOOOOAAAHHH!!!! pero sa isip isip ko wala pa sigurong maituturing na sariling pamilya itong taong to kaya't nabibili niya ang gusto niya? paano kaya kung magkapamilya siya?
ang mga tao nga naman.. inuuna pa ang luho kaysa pagkakakitaan. Hindi ko sila masisisi at hindi rin masama iyon, naisip ko din kasi na baka mag eendo na sa trabaho itong mga taong to at gusto nila ma fulfill yung pangangailangan nila sa mga bagay na iyon.. Ang hirap naman kasi magtrabaho diba? hindi na nga sapat ang kinikita, pagod, puyat at kakulangan ng oras sa pamilya ang kalaban mo. Kaya yung ibang tao napipilitang makipagsapalaran sa ibang bansa para mas kumita ng malaki. kaso pag uwi nila sirang sira na yung pamilya nila(remeber yung pelikulang ANAK?) halos ganun din ang nangyayari samin ngayon dahil ang papa ko ay isang seaman at hindi birong trabaho ang kinakaharap niya doon. OO! natutugunan niya ang pangangailangan namin, pero habang lumalaki ang kita niya... lumalaki din ang gastusin namin sa bahay at sino ba namang taong walang UTANG?
kahit mayayaman nga nababaon sa utang.. hehehehe :)) pero hindi pa huli ang lahat.. may pag-asa pa tayo! keep in touch ka lang kay God and everything will follows^_^
Kung ako sa inyo magbusiness nalang kayo. May pag asa pang lumago ang pera niyo. Kahit magtrabaho kayo, may kita pa din, matutugunan niyo na yung mga pang araw-araw na kailangan niyo at ma sa-save niyo pa ang kita. Mawalan man ng trabaho.. may kita pa din! Think of it :)
at sa mga gusto magfranchise ng foodcarts just pm me :)
YUN YON EH!!!!!!!!!!!!!!
No comments:
Post a Comment