So..kailan lang eh nagulat ako sa mga nakita ko sa facebook! "Bakit ganito? puro cartoon characters ang nakikita kong profile pic nila???" at that time may hinahanap akong isang tao at saktong parehas sila ng pangalan at apelyido, hindi ko malaman kung sino sa kanila ang i-aadd ko(add ko na nga lang pareho!) parehas kasi naka private ang profile nila eh. Di ko makita kung sino ang gusto ko i-add kasi parehas din cartoon character ang picture! tsss.. pero hindi yan ang point ko.
nag-research ako about dun kasi gusto ko malaman kung bakit? ...at meron akong videong nakita:
Facebook Cartoon Profile Picture Week is a social networking trend which involves updating one’s Facebook profile picture with an image of his/her favorite cartoon character from childhood. Although individual practice of using cartoon avatars as profile pic may be seen as a common behavioral pattern, recent upsurge in frequency of profile change has apparently transformed into an international campaign to raise awareness for child abuse.
Ahhhh!!! so ito pala yung dahilan kung bakit ang daming tao ang nagpapalit ng kanilang profile pictures. Kaya't nagpalit din ako^__^ mukhang maganda naman kasi yung hangarin eh...
pero after an hour napaisip ako? talaga nga bang makakatulong ito sa pagbawas ng pang aabuso sa mga bata???
im not against sa magandang hangarin ng nagpakalat nitong video na to pero sa tingin ko hindi ito ang tama at sapat na paraan paramakatulong ito sa mga bata(or kung damulag man yan!!! :D) kung talagang gusto nating makatulong bakit hindi tayo makipag ugnayan sa BANTAY BATA kung may kapitbahay man kayong nakita ninyong inaabuso ng mga magulang?
may kaonting explaination din ako sa mga magulang na abusado.. Maaring pinagdaanan din nila yan noong bata pa sila at naging part ng pagdidisiplina nila sa kanilang anak. Pero hindi porket nakasanayan o nakaugalian na natin ang isang bagay ay nangangahulugang TAMA ito! Bakit si Tarzan, akala niya nung una UNGGOY siya. Pero di naman diba?
Mayroon din naman na naibubunton lang ang galit sa kanilang mga anak kapag may problema sila. Sa tingin niyo ba maiiwasan nila yung mga bagay na yun kapag nakita nila yung mga profile pictures niyo na cartoon character? Eh yung ibang tao nga basta nalang nagpalit ng di sila nagsisiyasat kung ano ba talagang purpose nun. in short.. GAYA-GAYA! (TEKA? SAPUL KA BA? HEHEHEHE). Aminin na natin na ang karamihan sa mga tao ay hindi nakapag-aral o nakapag-aral man ay hindi nakatapos. Kaya yung iba, akala nila tama yung pagdidisiplina nila sa kanilang mga anak, mayroong iba na di rin nakakabasa at nakakapagsulat? marami ang walang computer, kung mayroon man. Ang tanong.. MARUNONG BA SILA?
bakit hindi natin sila dalhin kung saan alam mong makakatulong sa kanila? sa kung saan pwedeng mabago ang mindset nila? Baka naman nakakalimot na sila sa Diyos at kailangan na nilang magbago? o ikaw mismong nagbabasa nito ay nakalimot na din? "Bakit mo pinapansin ang muta ng iba kung hindi mo din naman matanggal ang muta sa iyong mata?"(correct me if i'm wrong.) diba? kung gusto natin ng pagbabago.. simulan muna natin sa ating mga SARILI bago ang iba.
Mayroon akong nabasa sa facebook... Nag aaway sila dahil dun sa Facebook Cartoon Profile Picture Week:
meron din akong isang kaibigan. Pinipilit din akong magpalit ng profile picture... "Hoy dann!!! bakit di ka nagpapalit ng profile picture?" nag-explain ako sa kanya kung bakit pero hindi din niya ako maintindihan at ito na din yung reason ko para maintindihan nila kung bakit? heheeheh :))
siguro kung katulad pa ko ng dati.. baka ganyan din yung mga nasabi ko at kung ano-ano pang masamang panglalait ang pinagsasabi ko sa kaibigan kong yun katulad nung nabasa natin ngayon na nag away sa facebook.
hanggang dito nalang po itong blog ko sa topic na to :)
"Do not conform any longer to the pattern of this world, but be transformed by the renewing of your mind. Then you will be able to test and approve what God's will is--his good, pleasing and perfect will." - Romans 12:2
Godbless us all :)
Casino City - Mapyro
ReplyDeleteFind the best 군포 출장안마 casino 안양 출장샵 city in Washington, D.C. close 거제 출장안마 to MGM National Harbor. 하남 출장마사지 and play live casino and 영천 출장샵 bingo. Casinos in Washington, D.C. close to MGM National Harbor.