Talaga namang nakaka excite pag nagkaroon tayo ng mga ganitong klaseng gadgets!!! At sa sobrang excited natin ay nakakalimutan na nating kumain o matulog sa pagbutingting ng mga ito dahil sa sobrang ELIBS(pagkamangha) ay nawawala ang ating gutom at hindi na tayo makatulog minsan.. heheheheh :)) ganito ka din ba?
hindi ba kahit pagmasdan lang natin ito, sumasaya na tayo at nawawala ang mga pagod natin?(bago eh!) ang sarap magtext sa kalsada o makinig ng music habang naglalakad, o di kaya'y manahimik sa isang sulok at antaying mapansin ng mga kaibigan ang bagong gadget na iyon.
GANYAN NATIN KAMAHAL ANG ISANG BAGAY : ) lalo na kung ito ay bago...
mayroon akong isang kakilala...
Juan: tol! ang ganda naman yan! anong tawag dyan?
Pedro: MacBook ang tawag dyan.. padala ni erpat from US!
Juan: mukhang mamahalin tol ah! magkano kaya yan?
Pedro: sabi ni papa humigit kumulang P50,000.00 daw
Juan: Wow! lupet naman nyan tol.. pa expi naman..
Pedro: Wag ka na.. baka masira mo pa eh.
Juan: damot mo naman!
PAKGALIPAS NG DALAWANG ARAW...
Juan: Kamusta na tol? mukhang malungkot ka ah! may problema ba?
Pedro: Oo tol, nanakaw yung laptop ko eh!
Juan: Talaga? eh dalawang araw pa lang yun ah! sayang naman..
Pedro: Oo, sayang talaga.. Alam mo ba? kakabasa ko lang ng manual ng laptop ko... may software pala sa MacBook na kapag nanakaw iyon pwedeng mapicturan yung magnanakaw once na binuksan niya yun? At maipo-post yung picture niya sa website ng MAC? hindi lang yun! pwede din palang di niya magamit yung laptop ko...
Juan: Talaga? nainstall mo ba yung software na yun?
Pedro: Yung nga ang masaklap eh!!! HINDI!
Yan ang mahirap sa atin eh.. Sa sobrang pagka-excited natin sa isang bagay eh hindi na natin binabasa yung manual. Nagmamarunong tayo, akala natin alam na nating patakbuhin ang isang bagay.
Parang buhay natin yan.. Binigyan tayo ng Diyos ng buhay at manual para maging gabay. Eto yung BIBLE! mahal na mahal tayo ng Diyos. Ngunit akala natin ay alam na natin ang lahat at hindi na natin kailangan nito. Karamihan sa mga tao ngayon ay hindi na nagbabasa nito at mas nagtitiwala sa ibang libro at quotations na nababasa natin kung saan man. Mas ginugugol natin ang ating oras sa pagbabasa ng mga nobela at comics ng favorite nating superheroes. Kaya't hindi na'ko magtataka kung ngayon eh mas nag-eenjoy ang tao kapag pinag-uusapan ang kapwa niya at ibang bagay, o mas natutuwa tayo kapag ang pinag-uusapan ay puro kalokohan kaysa pag-usapan si Jesus o ang Diyos.
kasi pinapamukha sa atin ng mundo na CORNY ang pagbabasa nito. ASTIG ang magbasa o manood ng Harry Potter o iba't-ibang klase ng mga horror, tapos matatakot tayo pagkatapos natin basahin o panoorin. Sa madaling salita.. Nagbayad tayo para takutin.. tama ba? hehehehe :))
Kayo, may Bible ba kayo sa bahay? O baka inaamag na yan dahil ni minsan ay di natin binuklat. Nakakabili tayo ng cellphone ngunit ang Bible hindi. Nagbabasa tayo ng mga messages na puro kalokohan pero kahit isang beses lamang ay hindi tayo nagbasa ng kahit isang pahina sa bible. Nanghihingi tayo ng love quotes para i-send sa crush natin pero pag galing sa bible ang quote DELETE agad!
wag nating antayin ang panahon na magsisi tayo sa huli... baka pag gising mo hahatulan ka na at papipiliin ka..
IMPIYERNO o HELL? wag nating antayin na manakaw pa tayo ng magnanakaw!
"The thief comes only to steal and kill and destroy; I have come that they may have life, and have it to the full." - John 10:10
ngunit di pa huli ang lahat.. Surrender your life to God at sinisigurado ko sa'yo kaya ka niyang i-repair at gawin ulit na BAGO :)
No comments:
Post a Comment